FAQ
May tanong ka ba tungkol sa Google Ads? Kami ang bahala sa iyo sa pamamagitan ng mga FAQ at resource sa pag-advertise.
Ano ang Google Ads?
Ang Google Ads (dating Google AdWords at Google AdWords Express) ay isang solusyon sa online na pag-advertise na ginagamit ng mga negosyo para i-promote ang kanilang mga produkto at serbisyo sa Google Search, YouTube, at sa iba pang site sa buong web. Nagbibigay-daan din ang Google Ads sa mga advertiser na pumili ng mga partikular na layunin para sa kanilang mga ad, gaya ng panghihimok ng mga tawag sa telepono o pagbisita sa site. Gamit ang Google Ads account, maaaring i-customize ng mga advertiser ang kanilang mga badyet at pag-target, at maaari nilang simulan o ihinto ang kanilang mga ad anumang oras.
Ano ang Google AdWords at Google AdWords Express?
Ang Google AdWords at Google AdWords Express ay ang mga dating pangalan para sa bago at pinahusay na Google Ads.
Paano gumagana ang Google Ads?
Gumagana ang Google Ads sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong ad kapag hinanap ng mga tao online ang mga produkto at serbisyong iniaalok mo. Sa pamamagitan ng paggamit sa mahusay na teknolohiya, tumutulong ang Google Ads na ipakita ang iyong mga ad sa mga potensyal na customer sa sandaling handa na silang gumawa ng pagkilos.
- Magsisimula ka sa pamamagitan ng pagpili sa iyong layunin, gaya ng pagkakaroon ng mas maraming bisita sa iyong website o mas maraming tawag sa telepono sa negosyo mo.
- Pagkatapos, pipiliin mo ang heograpikong lugar kung saan dapat ipakita ang iyong ad. Maaaring isa itong maliit na radius sa paligid ng iyong negosyo o maaaring mas malawak pa rito, gaya ng mga lungsod, estado, o buong bansa.
- Panghuli, gagawa ka ng iyong ad at itatakda mo ang limitasyon ng iyong buwanang badyet.
Kapag naaprubahan ang ad mo, maaari itong lumabas sa tuwing maghahanap ng produkto o serbisyong katulad ng sa iyo ang mga user sa target mong lugar. Magbabayad ka lang kapag nakipag-ugnayan ang mga user sa iyong ad, halimbawa, sa pamamagitan ng pag-click sa ad mo o pagtawag sa iyong negosyo.
Ano ang iba't ibang uri ng Google Ads?
May tatlong basic na uri ng Google Ads:
- Mga Search Network campaign - karaniwan nang isang text, ang mga ad na ito ay maaaring lumabas sa mga page ng mga resulta sa Google Search kapag may naghanap ng produkto o serbisyong katulad ng sa iyo
- Mga Display Network campaign - karaniwang nang isang larawan, ang mga ad na ito ay lumalabas sa mga website o app na binibisita ng iyong mga customer
- Mga Video campaign - karaniwan nang mga 6 o 15 segundong video, ang mga ad na ito ay lumalabas bago magpakita o habang nagpapakita ng content sa YouTube
Matuto tungkol sa mga karagdagang advanced na uri ng campaign, kasama ang mga Shopping campaign, Pangkalahatang Campaign sa App, at higit pa rito.
Ano ang Pag-advertise na CPC (Cost Per Click) o PPC (Pay Per Click)?
Ang ibig sabihin ng CPC (Cost Per Click) o PPC (Pay Per Click) ay magbabayad ka lang para sa isang ad kapag may nag-click dito.
Kasama sa iba pang modelo ng pag-advertise ang:
- Cost Per Impression, kung saan magbabayad ka batay sa dami ng beses na ipinakita (hindi na-click) ang iyong ad
- Cost Per Engagement, kung saan magbabayad ka kapag nakakumpleto ng na-predefine na pakikipag-ugnayan (gaya ng panonood sa iyong video ad) ang isang user
Magkano ang Google Ads?
Ang iyong gastusin sa Google Ads ay tinutukoy ng mga setting ng badyet mo. Maaaring gumana ang Google Ads sa halos kahit anong badyet. Sisingilin ka lang kapag nakipag-ugnayan ang mga user sa iyong ad, gaya ng pag-click para bisitahin ang website mo o para tumawag sa iyong negosyo. Sa Google Ads, walang minimum na kinakailangang gastusin, at walang kinakailangang haba ng pakikipag-ugnayan—maaari mong ihinto ang iyong mga ad anumang oras. Maaaring mag-iba-iba ang halaga ng pag-click o pagtawag batay sa ilang salik. Matuto pa rito.
Paano ako magsisimulang mag-advertise sa Google?
Para magsimula sa Google Ads, mag-click dito para mag-sign up. Tutulungan ka ng aming may-gabay na proseso ng pag-set up sa paggawa ng iyong unang ad sa pamamagitan lang ng ilang hakbang. Kung kailangan mo ng tulong sa pag-sign up, available ang aming mga eksperto sa Google Ads na i-set up ang iyong bagong account at available din silang tumulong sa paggawa ng una mong campaign nang walang karagdagang bayarin.