Mga Display Campaign
Abutin ang mas maraming tao sa mas maraming lugar online
Makakatulong sa iyo ang mga display ad na i-promote ang negosyo mo kapag ang mga tao ay nagba-browse online, nanonood ng mga video sa YouTube, tumitingin ng email sa Gmail, o gumagamit ng mga mobile device at app.
Naaabot ng Google Display Network ang 90% ng mga user ng Internet sa buong mundo, sa milyun-milyong website, page ng balita, blog, at site ng Google gaya ng Gmail at YouTube.
MagsimulaMagsimula sa 3 hakbang
Gawin ang iyong campaign
Gumamit ng text o magsama ng mga larawan para ipakita ang iniaalok mo.
Abutin ang iyong mga customer
Piliin kung saan mo gustong mag-advertise gamit ang aming mga insight tungkol sa mga interes at demograpiko.
Itakda ang iyong badyet
Magtakda ng badyet, at magbayad para sa mga resulta, halimbawa, kapag nag-click ang mga tao sa iyong ad para bisitahin ang website mo.
Makipag-ugnayan sa mga customer sa mga paborito nilang site at app
Abutin ang iyong mga layunin sa pag-advertise
Malawak ang naaabot ng mga display campaign at makakatulong ang mga ito sa iyong:
- I-promote ang iyong brand
- Palaganapin ang kaalaman sa produkto
- Paramihin ang benta
- Makakuha ng mas maraming lead
Piliin ang tamang format
Pumili sa mga image o rich media ad na may mga interactive na element at animation, mga simpleng text-based na banner ad, mga custom na ad sa Gmail, at mga image ad na lumalabas sa mga mobile app.
Abutin ang mga tamang tao
Makipag-ugnayan sa mas maraming potensyal na customer gamit ang aming mga opsyon sa pag-optimize gaya ng mga keyword, demograpiko, lokasyon, at remarketing. Hikayatin ang mga tao na pansinin ang iyong brand, isaalang-alang ang mga produkto mo, at kumilos.
Magsaayos para sa tagumpay
Tumutulong sa iyo ang Google Ads na sukatin ang performance ng campaign para makagawa ka ng mga pagsasaayos at makamit mo ang iyong mga layunin.