Mga Video Campaign

Bigyang-buhay ang iyong kwento gamit ang video

Abutin ang mga potensyal na customer kapag nanood o naghanap sila ng mga video sa YouTube—at magbayad lang kapag nagpakita sila ng interes.

Makakatulong sa iyo ang mga video ad na palawakin ang kaalaman tungkol sa brand mo sa pamamagitan ng malawakang pagtawag ng pansin at pagpapalakas ng demand.

Magsimula na

Magsimula sa 3 hakbang

Gumawa ng iyong Video ad

I-upload ang iyong video sa YouTube. Bibigyan ka namin ng mga tip sa pinakamagandang runtime para sa iyong mga layunin.

Pumili ng iyong audience

Tukuyin kung sino ang makakakita sa iyong video batay sa lokasyon, edad, mga interes, at higit pa.

Itakda ang iyong badyet

Magtakda ng pang-araw-araw na badyet at buwanang limitasyon. Hinding-hindi ka magbabayad nang lampas sa iyong buwanang limitasyon.

Himukin ang iyong audience gamit ang mga Video ad

Hikayating kumilos ang mga tao

Gamit ang mga Video ad, matutukoy mo kung anong pagkilos ang gusto mong gawin ng mga tao, gaya ng:

  • Pagbisita sa iyong website, para makita ng mga tao ang mga produkto mo at makilala nila ang iyong brand
  • Panonood ng higit pang video sa iyong channel sa YouTube, para mapalawak mo ang iyong abot at mapalaganap mo ang kaalaman sa brand

Abutin ang iyong audience

Piliin kung sino ang gusto mong makakita sa iyong mga video ad batay sa lokasyon, mga interes, at higit pa. Lalabas ang iyong video bago o pagkatapos ng mga nauugnay na video o sa mga resulta ng paghahanap. Maaaring gumawa ang mga video ad ng isa-sa-isang komunikasyon sa mga potensyal na customer.

Magbayad lang kapag pinanood ng mga tao ang iyong ad

Ang aming flexible na pagpepresyo ay gumagana sa halos kahit anong badyet. Magbabayad ka lang kapag may nagpasyang manood nang hindi bababa sa 30 segundo, nanood ng buong ad, o nakipag-ugnayan sa iyong ad, gaya ng pag-click sa overlay ng call-to-action, card, o kasamang banner.

Makakuha ng mga real-time na insight

I-link ang iyong Google Ads account sa channel mo sa YouTube para ma-access ang mga karagdagang istatistika ng performance. Isa pa, makakatulong sa iyo ang tool ng Analytics ng YouTube na maunawaan kung sino ang nanonood ng mga ad mo at kung paano sila nakikipag-ugnayan sa mga ito.

Tingnan kung ano ang magagawa ng mga Video ad para sa iyong negosyo

Gusto mo bang matuto pa?