Mga Search Campaign

Mahanap sa Google agad-agad

Sa bilyun-bilyong paghahanap bawat araw sa Google, maaari kang gumamit ng mga Search ad para matiyak na mapapansin ng mga potensyal na customer ang iyong brand, isasaalang-alang nila ang negosyo mo, at kikilos sila.

Para sa Search campaign, pipili ka ng layunin, gaya ng panghihimok ng trapiko sa iyong website o pagpaparami ng benta o lead.

At sa mga pay per click (PPC) na search ad, magbabayad ka lang kapag nakakuha ng mga resulta ang iyong ad, halimbawa, kapag na-click ng mga tao ang ad mo para bisitahin ang iyong website o para tumawag sa negosyo mo.

Magsimula na

Magsimula sa 3 hakbang

Gumawa ng iyong Search ad

Sa loob lang ng ilang minuto, makakapagsulat ka ng text ad na nagsasabi sa mga tao kung ano ang iniaalok mo.

Pumili ng iyong audience

Makipag-ugnayan sa mga potensyal na customer sa pamamagitan ng pagpili ng mga nauugnay na keyword na hinahanap ng mga tao sa Google.

Itakda ang iyong badyet

Magtakda ng pang-araw-araw na badyet, at magbayad sa bawat pag-click. Hinding-hindi ka magbabayad nang lampas sa iyong buwanang max.

Abutin ang mga tamang tao gamit ang mga Search ad

Hikayating kumilos ang mga tao

Kapag na-set up mo ang iyong Search ad, mapipili mo ang layuning gusto mong makamit, gaya ng:

  • Paramihin ang iyong benta online o sa tindahan
  • Makakuha ng mas maraming lead
  • Humimok ng trapiko sa iyong website

I-highlight ang pangunahing impormasyon tungkol sa iyong negosyo

Gumamit ng mga extension ng ad para magsama ng karagdagang impormasyon, gaya ng lokasyon ng negosyo, mga link sa mga partikular na page sa iyong website, mga review ng produkto, at higit pa.

Magsaayos para sa tagumpay

Ibinibigay sa iyo ng Google Ads ang flexibility na gumawa ng maraming bersyon ng text ad mo, para malaman mo kung alin ang may pinakamahusay na performance.

Subaybayan ang iyong pag-usad

Ipapakita sa iyo ng aming dashboard ang performance mo. Isa pa, magbibigay kami ng mga ulat, analytics, at tuluy-tuloy na tip, para magawa mo pang mas matagumpay ang iyong mga campaign.

Gumawa ng iyong Search campaign

May mga tanong ka ba tungkol sa mga uri ng campaign sa Google Ads?