Gawin ang iyong unang ad sa ilang hakbang lamang
Pinapadali ng Google Ads na ipakita sa mundo kung ano ang natatangi tungkol sa iyong negosyo, para maabot mo ang mga customer na naghahanap ng iyong iniaalok.
MagsimulaHakbang 4
Mag-live
Ipapakita namin ang mga ad mo kapag naghanap ang mga tao ng mga produkto o serbisyong katulad ng sa iyo. Maaaring lumabas ang iyong mga ad sa Google Search at Maps, at sa aming network ng mga partner na site.
Babayaran mo ang mga resulta, halimbawa, kapag na-click ng mga tao ang iyong ad para tumawag sa negosyo mo, kapag bumisita sila sa iyong website, o kapag kumuha sila ng mga direksyon papunta sa tindahan mo.
Tumutulong ang Google na pahusayin ang iyong mga ad sa paglipas ng panahon
Alam naming gusto mong tumuon sa pinakamahalaga—ang pagpapatakbo ng iyong negosyo. Kaya tutulong ang aming mahusay na teknolohiya sa paghahanap ng mga paraan para mapahusay ang iyong mga ad at makakuha ka ng mas mahuhusay na resulta.
Dagdag pa rito, magbibigay kami ng mga ulat, insight, at tuluy-tuloy na tip, para masubaybayan mo ang iyong pag-usad at magawa mo pang mas matagumpay ang iyong mga ad.
Piliin ang mga tawag para hikayatin ang mga customer na tumawag para magpa-book ng mga appointment, magpaiskedyul ng trabaho, o magsara ng deal.
Piliin ang mga pagbisita sa store kung nagmamay-ari ka ng aktwal na lokasyong umaasa sa mga pumupunta sa store.
Piliin ang gumawa ng pagkilos sa iyong website kung gusto mong mamili ang mga tao sa iyong online na tindahan, mag-sign up para sa listing mo, o punan ang isang form.
Para maging mahusay ang performance ng iyong ad, dapat nitong mahanap ang tamang audience. Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Ads na piliin ang lokasyon kung saan lalabas ang iyong ad, pati na sa loob ng isang partikular na radius ng iyong tindahan o saklaw ang buong mga rehiyon at bansa.
Pinapadali ng Google Ads na magsulat ng epektibong ad copy o magsama ng mga larawan. Gamit ang iba't ibang format ng ad na available, tutulungan ka naming tukuyin ang pinakamahusay na paraan para gawin ang ad mo batay sa iyong mga layunin sa pag-advertise at sa marketing.
Sa Google Ads, ikaw ang magpapasya kung magkano ang gagastusin, at hinding-hindi ka magbabayad nang lampas sa iyong buwanang limitasyon. Walang minimum na kailangang gastusin, at walang obligasyon. Magrerekomenda kami ng badyet batay sa mga negosyong katulad ng sa iyo, at may kasamang mga tinantyang resulta. Nakakakita ng mga resulta ang karamihan ng mga ad sa loob ng humigit-kumulang isang buwan.